Kalbaryo

Tungkol sa Aklat

Ang Kalbaryo ay koleksiyon ng mga tula tungkol sa iba’t-ibang kuwento ng mga tao, na nagmula sa iba’t-ibang lugar sa lipunan. Bilang isang masugid na kristiyano, si Toffee, sa ngalang paborito ng mga nakakikilala sa kaniya, ay nilarawan ang Kalbaryo bilang mga maliliit na kapilyang binubuo tuwing Semana Santa, sa kaniyang bayan ng Makati.

Ang maigsing bersyon ng “Pasyon ni Mang Jose” ay inilathala sa Vox Populi PH.

Tungkol sa Awtor

Si Roi Christoffer J. Peralta, o mas kilala bilang Toffee sa malalapit niyang kaibigan ay isang manunulat, makata, at seminarista. Isa siya sa mga pangunahing manunulat ng Vox Populi PH, kung saan naibahagi ang ilan sa mga huli niyang akda sa nasabing publikasyon. Ang kaniyang koleksiyon ng mga tula, ang “Kalbaryo” ay binuo noong buwan ng Abril, ilang linggo bago siya pumanaw. Ito ay naglalaman ng kuwento ng kaniyang debosyon mula Laguna hanggang sa kaniyang pamamalagi sa Kamaynilaan.

Tungkol sa Pabalat

Ang pabalat ay likha ni Maria Kristelle C. Jimenez.

Book Details

Title: Kalbaryo
Author: Roi Christoffer J. Peralta
Book type: Softbound, Matte Cover
Paper Type: Cream Paper
Book Size: 5 inches × 7 inches
Number of Pages: 70 pages