Eclipse

Tungkol sa Aklat

Isang aksidente habang sumasapit ang isang eklipso ang nagtagpo sa landas ni Dos, isang Fetcher at ni Alice, isang mortal. Nakatakdang sunduin ni Dos ang dalaga ngunit sa isang himala mula sa hiling ang pumatid sa dapat gaganapin na pagsundo.

Ano nga ba ang hiwaga na bumabalot sa pagiging taga-sundo ni Dos? Ano nga ba ang buhay sa pagitan ng paghinga’t pagkamatay?

Tungkol sa Awtor

Si Annalyn C. Biagtan, o Aleen para sa kaniyang mga kaibigan, ay isang paumpisang manunulat mula sa bayan ng Mapandan sa Pangasinan. Unang nagsulat si Aleen ng isang maikling kwento noong siya ay edad labing-tatlo. Nangangarap pa rin si Aleen na makitang nakaimprenta ang kaniyang pangalan sa pabalat ng libro. Lubos pa rin ang pagpapasalamat niya sa mga taong nasa likod ng kaniyang mga naisusulat na obra. At bagama’t aminadong seasonal kung magsulat, ay marami pa rin siyang gustong simulan na pahina.

Tungkol sa Pabalat

Ang pabalat ay mula sa kuha ni Reynand O. Manaois, na inayos ni Maria Kristelle C. Jimenez.

Book Details

Title: Eclipse
Author: Annalyn C. Biagtan
Book type: Softbound, Matte Cover
Paper Type: Cream Paper
Book Size: 5 inches × 7 inches
Number of Pages: 102 pages
Price: 150 PHP (PDF), 280 PHP (Softbound)