Liwanag sa gitna ng lagim

Alam ko nang maraming tao sa People’s Rally ni Leni at Kiko sa Pampanga, at kinabahan ako dahil doon. Knowing I’m introverted, in-expect ko nang mapapauwi ako nang maaga o ’di kaya’y mauubusan ng social battery.

Pero hindi ganoon ang nangyari. 

Instead, ang wallflower na kagaya ko ay natutong kumalas sa pader na kinakapitan at mas lalo pang namukadkad kasama ng ibang rosas na kagaya niya. Mas nabuhayan pa ako ng loob; halos mapaos kasisigaw, at parang ayaw nang umuwi. 

Nakakatuwa kasi ang mga tao. Alam ko nang marami talagang sumusuporta kay Leni Robredo, pero seeing it with my very own eyes, ang surreal! Ang babait pa nila. Ang sasaya panoorin at ang sasaya kasama. Instead na mapagod dahil mula umaga hanggang gabi, nandoon na ako, mas napuno pa ako ng energy.

Dahil din sa people’s rally, nakita ko ang totoong unity ng mga tao. Na-realize ko na iba pala talaga ang nagagawa ng mamamayan na may iisang paniniwala. Ang powerful! Iyong puwede namang maliit lang na event, lumalaki nang lumalaki pa. Hindi mo na kailangan gumastos o humingi ng tulong sa iba, kasi kapag nakita ng tao kung gaano ka ka-genuine tumulong, sila rin mismo, tutulong sa iyo. Magbabayanihan. Lahat ng may maibigay, maliit man o malaki, ibibigay nila. 

It was a historical experience. Ito iyong karanasan na pakiramdam ko, hindi ko malilimutan, at posible pang ikuwento ko sa mga tao in the near future. As exaggerated as it sounds, pakiramdam ko talaga dadalhin ko ito hanggang sa pagtanda ko.

Ang boto ko ay para sa taong may isang salita at hindi puro kayabangan at pangako lang. Oras na sinabi niya ang isang bagay, alam mong gagawin niya dahil ganoon na rin ang ipinakita niya noon. Iyong taong may sariling paniniwala, pero bukas pa rin pag-usapan ang paniniwala ng iba, kahit pa gaano kataliwas ito sa kanya. Iyong taong marunong pa rin harapin ang mga taong pumupuna sa kanya nang walang takot, at hindi kailanman tatalikuran dahil lang alam niya na ikakasira ito ng imahe niya.

Iboboto ko iyong taong marami nang alam sa papasukin niya, dahil na rin sa edukasyon at karanasan na mayroon siya. Iyong mayroong pinag-isipang plataporma; hindi lang tumitigil sa goal kung hindi ipinapaliwanag at ipinapaunawa rin sa atin kung papaano niya ito aabutin. Iyong nandiyan kapag alam mong kailangan siya, at hindi tayo kinakalimutan at ipinagpapalit sa kanyang personal na interes. Iyong may puso para sa bayan at sa mamamayan, at hindi ginagawang paligsahan ang pangangampanya at eleksyon. Iyong nagbubuklod sa ating mga Pilipino, nagbibigay pag-asa, at nagsisilbing liwanag sa gitna ng malagim na pinagdaraanan natin sa panahong ito.

Tumitindig ako para sa bayan at sa mamamayan. Nasa malala na tayong sitwasyon ngayon. Kumbaga sa isang tao, bugbog-sarado na tayo. Naniniwala ako na kailangan natin ng isang taong hihilom sa atin; iyong gagamot sa sugat at pasa nang may halong alaga at pagmamahal. Parang ina na nag-aalaga sa kanyang anak.

Tungkol sa Kontributor: Si J.B. Bondoc ay isang estudyante sa kolehiyo na patuloy nangangarap maging isang manunulat. Kasalukuyan siyang parte ng programang Wattpad Ambassador at miyembro ng Guilty Reads, isang creatives hub kaugnay sa pagsusulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s