Para ed Sikara, Ontalindeg Ak!

Seventy-six thousand pink bangus ang ibininyag sa amin.

Ganoon karami ang mga taong tiniis ang init, ambon, pagod, puyat, uhaw at gutom maging parte lamang ng isang okasyong nakaukit na sa kasaysayan ng Pangasinan—ang grand rally nina Leni Robredo, Kiko Pangilinan, at ang buong Tropang Angat.

Unang beses kong nakilahok sa ganoong klaseng pagtitipon. Unang beses akong tumindig para ihayag ang buong suporta ko sa isang kandidato sa pagkapangulo. At sa kabila ng pagod at puyat ay hindi ako nagsisi. Proud na proud pa nga akong maging isang bangus.

Para saan ba ang paglahok ko? Bakit pa ako nagpakapagod gayong pwede naman akong magtrabaho na lamang at manood ng live? Simple lang. Ang dahilan ko’y hindi para sa akin. Ang dahilan ng aking pagsuporta at pagpunta ay hindi lang para makibahagi o makisalamuha dahil ito ang bagong hype, o dahil sa free concert. Napakababaw no’n.

Ang dahilan ng sakripisyo ko sa araw na iyon ay para sa kinabukasan. Ang dahilan ng pagsuporta ko ay para sa mga kabataan—sa mga maliliit kong pinsan at pamangkin, sa aking mga batang kaibigan, sa aking mga magiging anak, at sa kanilang magiging anak sa hinaharap. Hindi para sa akin.

Kailangan na kailangan na ng bansa ang paghilom. Kailangan na natin ang panibagong simula. Uhaw na uhaw na ang Pilipinas sa tapat at totoong serbisyo at pamamalakad sa gobyerno. Dahil sa ganoong klase lamang nang pamamahala natin masisiguro ang magandang bukas para sa lahat lalong lalo na para sa mga kabataan.

Kailangan na ng Pilipinas ang isang taong naiintidihan ang tunay na kalagayan ng ating bansa. Isang taong totoong may malasakit sa kahit anong antas o uri ng tao sa lipunan. Isang taong mabilis ang aksyon at solusyon sa kahit anong problemang kaniyang kinakaharap. Mapagkumbaba, may plataporma para sa lahat, malinis, makatao, at higit sa lahat hindi nagtatago sa anino ng impluwensya.

Naalala ko pa noong opisyal na idineklara ni Madam Leni ang kaniyang pagtakbo. Ang ilang linggong pangamba ay biglang naglaho. Pag-asa ang namutawi. Hindi ko aakalain na ganoon ang magiging impact niya sa akin. Hindi ko man siya personal na kilala ay nakaramdam ako ng koneksyon sa kaniya—iyong klaseng koneksyon na parang sa isang ina. At gaya ng isang ina’y alam ko na hindi niya tayo pababayaan.

Mabuhay ang Pilipinas!

Mabuhay ang kulay rosas na bukas!

Tungkol sa Kontributor: Si Annalyn Biagtan ay ang kasalukuyang Literary Head ng Vox Populi PH, isang youth organization. Ang akdang “Para ed Sikara, Ontalindeg Ak!” (“Para sa Kanila, Titindig Ako!”) ay kabilang sa ipapamahaging TINDIG zine sa Cavite People’s Rally.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s