Para sa bayan, lagi’t-lagi

Ano ba ang simpleng mga katangian ng isang mabuting lider? Mayroong maayos na track record at history. May transparency kung saan bawat galaw, resibo. May nagawa na, may ginagawa pa, at maraming gagawin pa.

May naisip ka bang lider na pasok sa lahat ng pangunahing katangian na ‘yun? Siguro ay meron na. Siguro ang sinusuportahan mo ay hindi pasok sa lahat ng katangiang ‘yun pero hindi mo matanggap kaya pilit mong tinatanggi na hindi siya karapat-dapat.

Sa mga naka-upo at namamahala, subukan niyo namang tumayo para makita ang pag-hihirap ng mga nasa laylayan! Sino ba naman ako para bigyan ng gobyernong tapat, kung saan angat buhay ang lahat? Isa lang naman akong anak na gustong maka-bawi sa aking magulang at pamilya kaya ginagawa ko ang lahat para magkaroon kami ng magandang kinabukasan. Isa lang naman akong volunteer na lumalakad at nag-dadasal para sa malinis na pamumuno, namamahagi ng tulong sa mga grand rally at namimigay ng pagkain at tubig kasama ang aking pamilya, namimigay kami ng tubig at pagkain sa mga nadaan sa venue kahit pa iba ang aming sinusuportahan, dahil gusto kong ipamahagi at iparamdam sa iba na tayo ay magkakakampi na radikal magmahal. Isa akong lider sa maliit na gobyerno sa aming paaralan.

Tumutulong ako kahit sarili ko rin ay nahihirapan dahil ‘yun ang aking sinumpaan, at dahil nagpapasaya sa’kin na makita ang mga ngiti ng aking mga tinutulungan. Ang masasabi ko lang, para magkaroon ng malaking pagbabago, mag-simula kang gumawa ng maliliit na pagbabago. Small changes will soon be a big difference. Ako ay isang content creator at influencer na ginagamit ang aking platform para mag-hayag ng pagbabago. Ako ay isang may-akda ng tatlong libro sa murang edad. Ang mga libro at istoryang sinusulat ko ay patungkol sa mga isyung panlipunan, katulad ng patriarchy, korapsyon, at diskriminasyon, kaya hindi ako hipokrito na boboto sa isang lider na hindi kayang mag-silbi sa mga mamamayan, hindi ako boboto sa isang pulitikong uunahing nakawan ang kaban ng bayan kaysa sa pagpapaganda ng ating bayan. Totoo ang sinabi ni Jose Rizal, kabataan ang pag-asa ng bayan. At ako ang magpapatunay bilang isa sa mga kabataan na tumitindig para sa gobyernong tapat.

Ginagawa ko ang lahat para sa bayan, lagi’t-lagi. Ako ay tumitindig para sa aking pamilya at para sa aking kinabukasan. Isa ako sa mga batang nangangarap para mas umangat ang aking buhay at ng aking pamilya, at paano ako mangangarap kung hindi masisigurado ang maayos na bukas?

“Kulay rosas ang bukas” ay hindi lang kulay na nag-rerepresenta ng kulay na “pink”, it represents a tomorrow that will be led by a woman and any color, any hue, is welcome. Every color will be served, and everyone is welcome. Ang bukas ay hindi lamang kulay rosas, kundi amoy ng pag-asa rin ng bawat mamamayang Pilipino. Kaya bilang isang mamamayang Pilipino na hangad ang maayos na pamahalaan at puno ng pag-asa na bukas para sa lahat, ang boto ko ay para kay Leni Robredo, Kiko Pangilinan, at sa Tropang Angat.

Tungkol sa Kontributor: Si Ayesha Arqueza ay isang awtor. Siya rin ang lumikha ng isang “Tulang Kulay Rosas,” na umani ng maraming interaksyon sa social media.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s