Si Leni bilang inspirasyon ng people’s movement

Para kay Sam, nakapagdudulot ng kasiyahan ang kaniyang pagiging volunteer member ng house-to-house campaign para kay partidong Leni-Kiko. Aniya, kapansin-pansin ang pagiging mabuti ng mga Kapampangan sa kanila—naroon ang ngingitian ka nila o dili naman kaya’t sesenyasan ka ng ‘Laban’ sign sa tuwing dumaraan.

“Yung leadership ni Leni ay nakakapag-inspire sa mga tao, para sa totoong pagkakaisa,” ang sagot ni Sam noong tinanong kung bakit niya napiling maging isang aktibong volunteer. Maliban sa pagiging core group member ng Youth Vote for Leni-Kiko sa Pampanga, siya rin ay naging founding member ng Lubao for Leni-Kiko; at dito niya inilalaan ang kaniyang oras, puso, at presensya para maipahatid sa bawat madaraanan nila sa Pampanga ang radikal na pagmamahal ng isang Kakampink.

Naniniwala si Sam na taliwas ang lumalabas sa mga kasalukuyang survey. Aniya, “hindi masyadong dama” ang resulta ng surveys dahil nagiging epektibo pa rin ang kanilang panghihimok.

“Sabihin na nating marami ngang supporters yung isang kandidato, pero pag nakakainteract mo na ang mga tao makikita mo na hindi pa rin ganoon ka-solid ang suporta nila, o undecided pa rin sila. Puwede pa silang i-convince,” puno ng kumbinsi ang kaniyang tugon.

Nang tanungin kung bakit siya kumbinsido sa kaniyang napiling kandidato, agad niya itong pinaunlakan. “Marami nang nagsasabi na malinis ang track record at totoong nagsisilbi sa mamamayan si Leni. Kasama rin naman yun sa dahilan kung bakit siya ang iboboto ko,” panimula niya.

“Kinikilala rin niya ang kakayanan at lakas ng mga mamamayan, na mayroon silang malaking kontribusyon para sa ikauunlad ng kanilang kabuhayan at ng bansa. Napakahalaga na makita na ang isang lider ay may malaking pagpapahalaga sa mga pinagsisilbihan niya, lalo na sa ganitong paraan. Na, ang pagkandidato at paninilbihan niya ay hindi tungkol sa kanya lang kundi tungkol sa lahat ng mga taong involved dito.”

Pero, may isa pa siyang matinding dahilan kung bakit si Leni Robredo ang kaniyang napili: dahil sa kaniya lamang niya nakita ang malawakang epekto ng people empowerment. Matatandaan na sa Pampanga rin ginanap ang Manalakaran: Pampanga’s People Rally—ang kinukunsiderang pinakamalaking people’s rally campaign ng partido nina Robredo-Pangilinan.

Dagdag pa ni Sam, “evident” ang pagiging hands-on ng tinaguriang ‘Busy Presidente’ ng bansa. “People from all walks of life ay nagiging involved para sa pangangampanya—lahat nagkakaroon ng participation, ng ‘ambag’ na siya namang kinikilala ni Leni,” ani Sam.

Tungkol sa Kontributor: Si Samantha Anne Mallari Bucu (o “SAM Bucu”) ay isa sa mga aktibong miyembro ng Youth Vote for Leni-Kiko at Lubao for Leni-Kiko sa lalawigan ng Pampanga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s