Hindi pinintahan ng kulay-pink ang mosque bilang pagsuporta kay Robredo

Isang Facebook post ang umani ng kuwestiyon sa social media dahil sa pinakakalat nitong misimpormasyon. Ayon sa orihinal na paskil ni “Da Celestine,” ang tinaguriang pink mosque sa Maguindanao ay isang pagpapakita ng maigting na suporta para kay VP Robredo at kaniyang partido.

Matatandaan na si Leni Robredo, ang kasalukuyang bise-presidente ng Pilipinas, ay isa sa mga kumakandidato sa pagkapangulo ngayong darating na 2022 Presidential Elections. Gayundin, naging talamak sa mga sumusuportang botante, volunteer, at kapartido ang paggamit ng kulay-rosas o pink bilang bahagi ng kanilang pangangampanya.

Mula Nobyembre 2021, nagbabahagi ang mga supporter ng kulay-pink na lugaw, pandesal, puto, kwek-kwek, at maging empanada sa kanilang isinasagawang kampanya. Gayundin, ang ilang masugid na tagasuporta sa social media ay nagbahagi ng mga larawan ng mga lokal at internasyonal na artista, banda, at KPOP groups—suot ang pamosong kulay-rosas ng naturang kandidato.

Bagaman ang layunin ng ilang sumusuporta ay paigtingin ang pangangampanya sa loob at labas ng social media, naging ugat ito ng pagbuo ng misimpormasyon at pagkalimot sa tunay na kasaysayan at kultura ng kapwa-Pilipino.

Ang tinaguriang ‘pink mosque’ ay mula sa Masjid Dimaukom na matatagpuan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao. Ayon sa opisyal na website ng probinsya ng Maguindanao, ang naturang masjid ay mula sa inisyatibo ni Samsodin Dimaukom, ang mayor ng nasabing probinsya mula 2013.

Sa isinagawang interbyu sa ‘Pink Mayor’ noong 2016, nabanggit niya ang pagkahilig sa kulay-rosas dahil sa pagiging simbulo nito ng pag-ibig at kapayapaan. Ang nasabing kulay ay siyang paborito rin ng naturang asawa ng mayor.

Taong 2014 noong makumpleto ang Masjid Dimaukom, na inilikha ng mga mangagawang Kristiyano bilang pakikiisa sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon. Maliban sa kulay-pink na masjid, nagmamay-ari rin si Dimaukom ng kulay-pink na bahay at isang pink Hummer.

Ang naturang Facebook post ay nakatanggap ng 4,000+ shares at 8,000+ reactions bago ito tuluyang ma-delete ng nasabing Facebook user. Sa kasalukuyan, walang natanggap na karagdagang-impormasyon mula sa partido ni Robredo, maging sa naturang nagpaskil ng kuwestiyunableng Facebook post.


Bahagi ang Vox Populi PH ng #FactsFirstPH, isang inisyatibo na naglalayong labanan ang misimpormasyon sa pamamagitan ng pag-igting ng katotohanan at paglaban sa kasinungalingan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s