Aking Kaibigang Kagalit,

Maligayang pagbati!

Hindi mo na siguro ako kilala, lalo na dahil hindi naman tayo madalas mag-usap. Ikalawang baitang pa lang tayo nang unang nagkita, at ikaanim na baitang ang huli, ngunit hindi naman ako nakakalimot ng kaklase.

Kaunting kamustahan muna. Ako, masaya. Maraming kailangang ipasa pero naipapasa naman lahat. Hindi ko masasabing mas masaya ito kaysa sa dati, pero hindi rin siya mas malungkot. Kung tutuusin, naging magkaibigan din naman tayo dati. Ikaw? Kamusta ka naman?

Kaya ako sumulat kasi naalala ko ang iyong salamin na kulay rosas na sinusuot mo lamang kasi bagay sa iyo, tapos ay hindi mo na ginamit makalipas ang ilang araw pagkatapos ng pagbili. Naalala ko ang iyong kay-tuwid na buhok, hindi ko alam kung paano mo nagawang ganoon ka-tuwid. Tuwid na nga, makintab pa sa ilalim ng ilaw. Naalala ko ang iyong koleksyon ng gamit na kulay lila at organisado sa iyong mesa, na tila nadadagdagan sa tingin ko sa iyong upuan.

Mabababa ang iyong mga nakukuha sa mga gawain. Halos hindi marinig ang matinis mong boses kapag nagbabasa sa klase, na lumalakas sa inyong mga kwentuhan kasama ng iyong mga popular na kaibigan paglipas ng ilang taon ng paglipat mo. Maarte ang iyong disposisyon na tila ako lamang ang nakakapansin.

Ngunit hindi iyon ang rason kung bakit hanggang ngayon ay tumatahimik ang paligid kapag tayo ay nag-uusap.

Nasabi ko nga, ikalawang baitang tayo noong nagkakilala. Sa simula pa lamang ay hindi na tayo nagkakasundo. Ako ay tahimik dati, laging sa likod naka-pwesto at katabi lamang ang tanging kaibigan, ngunit umiingay kapag nakakasanayan. Ikaw ay maingay at biglang tatahimik kapag may nasabing hindi mo nagustuhan. Hindi ko naman iisipin na sa harapan ko ikaw umupo.

Apat ang quarter sa buong taon ng klase, at sa pang-apat ka pa lang nag-transfer para makasama ang iyong pinsan. Kung kalian malapit na ang graduation saka ka dumating. Alam ko na alalang-alala mo pa ang nangyari.

Ayun na nga, ilang araw bago ang graduation, at lahat ay naghahanda para maging ikatlong baitang. Naghanda kami ng mga regalo para sa isa’t-isa. Hindi ikaw nasama sa bilang, at hindi kita nabigyan ng bookmark na aking ipinamigay sa buong klase.

May plano na rin naman. May kaklase tayo dati na ayaw ng pambabae, kaya kung hindi niya nagustuhan, yung panlalaki na lamang ang ibibigay ko at ibibigay ko sa iyo ang sa kanya. Eh, nagustuhan nya, at maiintindihan naman kasi mahilig siyang magbasa.

Hindi mo naman talaga gusto ng bookmark, at tila hindi mo rin naman magagamit dahil hindi ka nagbabasa kung hindi aralin. Ngunit dahil mayroon ang lahat, gusto mo na rin magkaroon. Naiintindihan ko, at alam ko na kasalanan ko pa rin, pero hindi mo naman kinailangang umiyak at magdabog para masira ang araw ng lahat.

Tinanong ko naman sa iyo kung gusto mong gawan kita ng para sa iyo. Sinabi mo naman na ayaw mo at gusto mo yung sa iba, yung pambabae. Edi tinanong ko kung gusto mo bang maghintay ng isang araw para sa sa iyo. Ayaw mo naman.

Walang nakapigil, ang paalala ko sa aking sarili. Pagdating ng awasan ay wala akong nasabi. Tumibok nang malakas ang aking puso. Nagkaroon ako ng kaaway. Simula noong araw na iyon ay hindi na tayo nag-usap na parang dati. Magaling na hindi mo na ako pinansin pagkatapos noon.

Gusto ko lang sabihin na maraming taon na ang nakalipas ngunit wala pa ring nangyari sa ating away. Hindi mo pa rin ba balak magbati? Ngayong napag-isipan ko na, hindi pa din naman ako handa. Huwag kang magmadaling mag-desisyon.

Sana di muna tayo magkita muli, aking kaibigang kagalit. Paalam, at mag-ingat ka! Goodluck sa iyong mga aralin!

May pagmamahal,
Elisha


Elisha Lilith S. Aguinaldo

Elisha Lilith S. Aguinaldo is a coming eighth grade student in the University of the Philippines Rural High School. She writes fictional poems and stories, and some fanfiction. Email Elisha at: elisha@voxpopuliph.com.

One thought on “Aking Kaibigang Kagalit,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s