Gawad LIRA 2021: Timpalak sa Pagsulat ng Tula, Bukás na!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang timpalak na Gawad LIRA 2021 ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga makata sa wikang Filipino na maipamalas ang kanilang galing sa pagtula at mabigyan sila ng pagkilala at parangal. Layon din nitong itaguyod at paunlarin pa ang panulaang Filipino.

Opisyal na pubmat ng Gawad LIRA 2021.

Bukas ang timpalak hanggang Oktubre 29, 2021 sa lahat ng mga manunulat ng tula sa wikang Filipino.

Narito ang mga tuntunin ng timpalak:

1. Bukás ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo at mga kamag-anak.

2. Ang ipapasang entri ay isang koleksiyon ng sampu (10) hanggang labinlimang (15) tula.  Kailangang may pamagat ang ipapasang koleksiyon.

3. Maaaring magpasa ng mga tulang malaya, may tugma at sukat, o kombinasyon.

4. Malaya ang paksa ngunit hinihikayat na magpasa ng mga tulang tumatalakay sa mga usaping panlipunan.

5. Kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino ang ilalahok. Hindi maaaring salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon.

6. Ang mga tulang ipapasa ay kailangang nasa wikang Filipino.

Ipadala sa email na gawadlira@gmail.com ang lahok. Sa subject line, ilagay ang “Gawad LIRA”. Ilakip sa email ang mga sumusunod:

  • Ang lahok (Portable Document Format [PDF]). Gamitin ang font na Arial at may sukat na 12pt. Single spaced. A4 size na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas, ibaba, at gilid.
    • Sagisag-panulat (pen name). Huwag maglalagay ng kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok.
  • Pirmadong entri form: https://tinyurl.com/gawadlira2021
  • Bionote ng makata

7. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 29 OKTUBRE 2021, 11:59n.g. Ang mga lahok na isusumite pagkatapos ng deadlayn ay hindi na tatanggapin.

8. Makatatanggap ng email mula sa komite ang mga magpapasa ng lahok. Awtomatikong diskwalipikado ang mga lahok na may kulang na dokumento o hindi makasusunod sa mga tagubilin. Ang mga matatanggap na lahok ay ituturing na kompleto at tapos. Hindi tatanggapin ang anumang rebisyon sa loob ng panahon ng patimpalak.

9. Ang gantimpala ay ang sumusunod:

  • Unang gantimpala: Php 15,000 at tropeo
  • Ikalawang gantimpala: Php 9,000 at plake
  • Ikatlong gantimpala: Php 6,000 at plake

10. Ang pasiya ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.

11. Ang sinumang mahuli at mapatunayang nagplahiyo o nangopya ay hindi na muling makasasali pa sa patimpalak na ito.

12. Ipaaalam sa mananalo ang resulta ng timpalak bago ihayag sa publiko ang mga magwawagi. Ang resulta ng patimpalak ay ipapahayag sa Disyembre 2021, kasabay ng pagdiriwang ng ika-36 na anibersaryo ng LIRA.

13. Kasabay ng paligsahang ito ang isa pang timpalak, ang Makata ng LIRA 2021 na eksklusibo naman para sa mga kasapi ng LIRA.

14. Para sa karagdagang detalye at iba pang katanungan, magpadala ng e-mail sa gawadlira@gmail.com.


Tungkol sa LIRA

Ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar.  Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s