PH Lit Community, nag-crowdfunding para kay Eros Atalia

Iba’t-ibang komunidad at organisasyon ng mga manunulat sa Pilipinas ang nagsagawa ng crowdfunding para matugunan ang pangangailangang-medikal ni Eros Atalia na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon dala ng COVID-19.

Noong Lunes, ika-23 ng Agosto, nagpositibo ang awtor ng “Tatlong Gabi, Tatlong Araw” sa COVID-19. Maliban kay Atalia, ang kaniyang mag-ina ay nag-positibo rin.

Ayon sa FILCOLS, kung saan isang aktibong kasapi ang naturang awtor, kasalukuyang nakapila na sa ICU para ma-intubate.

“We already spent more than 200K and the hospital bill might go to a million or more. If you have excess anything you can give us, will be very much appreciated,” pahayag ni Jessica, asawa ni Atalia.

Maaaring magpadala ng tulong-pinansyal sa pamilyang Atalia sa GCash.

Ibinahagi ni Edgar Calabia Samar ang isang poster na naglalaman ng karagdagang-impormasyon higit sa crowdfunding.

Maraming organisasyon ang nagbahagi rin ng crowdfunding poster kasama ang kani-kanilang testamento hinggil sa naturang manunulat.

“Isa ang manunulat na si Eros Atalia sa maituturing na regular na panelista ng pambansang palihang multi-genre ng PUP. Kasama rin siya sa makasaysayang paglulunsad ng Biyaheng Panulat at iba pang mga gawaing pinangunahan ng PUP na nakatuon sa panitikan at malikhaing pagsulat,” mula sa Facebook post ng Center for Creative Writing – PUP.

Ibinahagi rin ng Cavite Young Writers Association ang ginawang tulong ni Eros Atalia sa kanilang organisasyon. “Mapagbigay si Eros, hindi lang sa mga pakimkim, kundi pati sa kanyang talino. Ngayong siya naman ang nangangailangan ng ating tulong, ibalik natin kay Eros ang pagmamahal at suporta na ibinigay niya noong tayo naman ang nangangailangan,” mula sa Facebook post ng nasabing organisasyon.

Isa namang art sale ang inilunsad ni Jun Cruz Reyes sa tulong ni Beverly Wico Siy para matulungan sa medikal na pangangailangan ng pamilyang Atalia. Tampok sa art sale ay ilan sa mga pointillism art pieces mula sa awtor ng “Utos ng Hari” at “Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe.”

“Sining para sa kapwa. Sining bilang tulong at ambag,” mula sa Facebook Post ni Beverly Wico Siy. Ang ilan sa mga sculpted chair ay kabilang din sa naturang art sale.

Si Eros S. Atalia ay isang Pilipinong awtor, propesor, at mamahayag mula sa Cavite. Ilan sa kaniyang mga akda ay ang “Ligo Na U, Lapit Na Me,” “Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli,” at “Taguan-Pung at Manwal ng Pagpapatiwakal.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s