Pagbabanyuhay

Ang Tawag
sa Pagpapalit-Anyo
ng Uod.
Ito ang Paglabas
mula sa Kriselis
at Pagpagaspas
ng mga Pakpak
bilang Paruparo
upang Marating
ang Tamis
ng bawat Bulaklak
sa Hardin.
Subalit hindi Niya Malilimutan
ang Danas at Ranas
ng pagiging Uod:
ang Paggapang,
ang Pagnguya,
ang Paghihintay,
ang Pananatili,
ang Pagninilay-nilay.
Dala-dala Niya
ang mga Alaalang Ito
sa bawat Paglipad
tungo sa Pagbibigay-Buhay
sa mga Bulaklak
at mga Hardin
na Abot ng kanyang
mga Pakpak at Paningin.

Hezekiah Louie Zaraspe

Si Hezekiah Louie Zaraspe ay isang guro ng wika at panitikan sa Kolehiyo ng Miriam Nuvali. Nagtapos siya ng may Batsilyer ng Edukasyong Pansekondarya, dalubhasa sa Ingles mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kasalukuyang tinatapos niya ang kanyang Master ng mga Sining sa Malikhaing Pagsulat sa UST Paaralang Gradwado. Mababasa sa Bukad: Miriam College Institutional Literary PortfolioPugad Literary FolioRevolt MagazineTransit DialogPhilippine Daily InquirerLuntian: Online Journal Para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral (PSLLF, 2020), Rappler, at Locked Down, Lit Up: An Anthology of Creative Work in a Time of Quarantine (UP Press, forthcoming) ang kanyang mga malikhaing akda. Kapag hindi siya sumusulat ng katha, sanaysay, o tula, inuubos niya ang kanyang oras sa pagbabasa ng mga libro at manga, panonood ng mga K-drama o anime, at pagluluto ng carbonara.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s