Kuwentong ‘90s Notebook

Bawat bata ng Dekada ’90, may sariling kuwento ng pagkakaroon ng kanilang notebook. Lalo na sa mga batang na may interes sa pagsulat at pagguhit—katuwang nila ang notebook. Ito na ang tinuturing nila na kaibigan, kapatid, kaulayaw, o kahit simpleng kakuwentuhan lang. Kaya naman, ibinabahagi ng ilang manunulat ng Vox Populi PH ang koleksiyon ng mga personal na sanaysay na kani-kaniyang pagkabata: kung saan mayroon silang notebook na kasa-kasama.

Si Juday at iba pang mukha ng 90s Notebook

“Bata pa lamang ako, umuusbong na ang pagiging banidoso ko sa kuwaderno. Notebook-conscious, kung kinakailangan ng tamang termino para rito. Pinapasabay ko pa sa lola ko ang pagbili ng plastic cover para sa notebuk ko. Mas matagal kasing kumukupas ang pabalat ng kuwaderno kapag maingat na binabalot sa plastic cover.”

Ang sanaysay na ito ay mula sa panulat ni Maria Kristelle C. Jimenez.


Salamat, Jolina!

“Dapat pitong Jolina ang makita ko para maganda pero dapat hindi rin pare-pareho. Suwerte naman dahil mayroon akong nakitang Jolina na pa-sweet, Jolina na kumakanta, Jolina na kunwari may iniisip, at Jolina na punong-puno ng butterfly hair clips. Meron rin akong Jolina na may iba pang kasamang artista at siyempre—Jolina with Marvin Agustin. Perfect, ‘di ba?”

Ang sanaysay na ito ay mula sa panulat ni Annalyn C. Biagtan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s